DAKILANG GURO (tula ni Greg Bituin at musika ni Joel Costa Malabanan) by joel costa malabanan published on 2014-02-19T23:03:48Z DAKILANG GURO : TEODORO ASEDILLO Titik ni ni Gregorio V. Bituin Jr. (11 pantig bawat taludtod ) Musika ni Joel Costa Malabanan Kabutihang asal ang punla mo At wikang taal ang itinuturo Makabayang diwa'y ipinapayo Sa mag-aaral ay mabuting guro Ngunit mga Kano'y sakdal-bagabag Wikang Ingles ang pilit nilalatag Gurong si Asedillo'y di pumayag Sa harap ng dayo'y naging matatag Bakit wikang dayo ang gagamitin? At ang sariling wika'y aalisin ? Banyaga na ba ang dapat tanghalin? Wikang sarili ba'y wikang alipin? Edukasyon noon pa'y pinaglaban Na ito'y dapat umangkop sa bayan Ngunit si Asedillo’y tinanggalan Ng trabaho kahit nasa katwiran Kawalang katarungan ang nangyari Ngunit siya'y patuloy na nagsilbi Di sa eskwela kundi sa marami I nalay ang buhay sa masang api Bakit wikang dayo ang gagamitin? At ang sariling wika'y aalisin? Banyaga na ba ang dapat tanghalin? Wikang sarili ba'y wikang alipin? O, Asedillo, dakila kang guro Halimbawa mo'y nasa aming puso Bayani kang tunay sa ating pulo At liwanag ka sa maraming dako Ang ating bayan ay ating gisingin At ating isipan ay palayain! Gurong Dakila ngayo’y kilalanin Si Asedillo ay alalahanin! Bakit wikang dayo ang gagamitin? At ang sariling wika'y aalisin? Banyaga nga ba ang dapat tanghalin? Wikang sarili ba'y wikang alipin? Tinig at Gitara: Joel Costa Malabanan Dagdag na Gitara: Levi Bartolome Genre bayani Comment by joel costa malabanan Kung hindi mo kilala ang bayaning si Asedillo, pakibasa: http://tupangpula.blogspot.com/2008/06/teodoro-asedillo.html 2014-02-19T23:05:29Z