O KUNG PASYON (Tula ni Axel Alejandro Pinpin at Musika ni Joel Costa Malabanan) by joel costa malabanan published on 2013-05-30T06:51:15Z Tinig at Gitara: Joel Costa Malabanan Lead Guitar: Levi Bartolome Inirekord noong Ika-29 ng Mayo, 2013 sa studio ni Levi Bartolome, pwedeng i-download at palaganapin! O KUNG PASYON Tula ni Axel Alejandro Pinpin Musika ni Joel Costa Malabanan Kung hindi nyo kami papahintulutang mangarap ni managinip, hindi namin kayo bibigyang pagkakataong matulog ni umidlip. Kung hindi nyo kami papayagang magtanim, hindi namin kayo papatikimin ng aming aanihin O kung pasyon ang paglaban para sa lupa, Ookupahin namin ang bawat pulgada Ng mga abenida at kalsada Sa mga lungsod mula sa mga tumana. O kung pasyon ang paglaban para sa lupa, Ookupahin namin ang bawat gusali Ng mga Ortigas at Makati Sa lungsod mula sa mga hasyenda ng hari. O kung pasyon ang paglaban para sa lupa, Ookupahin namin ang bawat kuwarto Ng mga ahensya ng gobyerno at ng palasyo Sa Malakanyang mula sa mga bukid ng nangasiphayo. Kayong mga walang pakialam na nanood, Kayong mga tumunganga at tumanghod – Pakinggan ang aming tinig, Tunghayan ang aklasang magbubukid, Ang lahat ng pag-aari – NGAYON na ang pagbawi. NGAYON na ang pagbawi! Genre Reggae Comment by Lanie Perez Hernando E kung ito kaya ang theme song ng isang teleserye s 2.baka madami p ang mamulat. 2014-05-05T07:18:24Z