SPEAK IN ENGLISH ZONE (Musika at Titik ni Joel Costa Malabanan) by joel costa malabanan published on 2012-07-30T10:40:41Z Ang bersyong ito ay nilagyan ng sundot sa lead guitar ni Levi Bartolome. SPEAK IN ENGLISH ZONE Musika at Titik ni Joel Costa Malabanan Ika-13 ng Oktubre, 2010 Taong 1898 nang sumalakay si George Dewey Sa ngalan ng Benevolent Assimilation ni McKinley Ang paglaya sa Kastila ay agad na nawalang saysay Dahil sa imperyalistang likas yaman ang pakay! At ang mga Kano at Kastila’y nagbentahan Twenty million dollars ang naging kabayaran. Sinimulan ng Thomasites kolonyal na edukasyon English ang wikang nagsilbing pundasyon Ang magigiting na bayani ay ipinabitay Tulad nina Felipe Salvador at Macario Sakay Pulitika, ekonomiya at ang kulturang popular Sa puso’t diwa English ang idinadasal. Ang bayan ko ay Speak in English Zone Paghahandang yakapin ang globalisasyon Nag-eeksport kami ng manggagawa’t caregiver Mga graduates namin ay nasa call center Pagkatapos ng World War II Parity Rights ang sumakal At ang nagsilbing tanod ay ang mga base militar Manggagawa at magsasaka ay nalibing sa kahirapan At nabaon sa utang ang sambayanan. Ngayo’y wala nang base militar wala na rin ang Thomasites Ngunit may VFA at English speaking campaign At ang mga paaralan hulmahan ng propesyunal Sinanay upang maglingkod sa mga dayong kapital Ang bayan ko ay Speak in English Zone Alipin kami noon hanggang ngayon Nag-eeksport kami ng manggagawa’t caregiver Mga graduates namin ay nasa call center. At ang bansang Pilipinas kahit pa agricultural Walang makain ang mga mamamayan Ang aming isip, salita at gawa ay kolonyal Lahi kami ng alipin sa sarili naming bayan. Nalulong sa Facebook ang kabataan ni Rizal Sa pagdodota animo’y mga hangal Pulitika, ekonomiya at ang kulturang popular Sa puso’t diwa English ang idinadasal. Ang bayan ko ay Speak in English Zone Paghahandang yakapin ang globalisasyon Nag-eeksport kami ng manggagawa’t caregiver Mga graduates namin ay nasa call center Ang bayan ko ay Speak in English Zone Alipin kami noon hanggang ngayon Ang pagbabago ang tanging solusyon Durugin ang kolonyal na edukasyon! Sariling wika ang ang siyang magpapalaya Sa sambayanang gapos ng tanikala! Genre Folk Rock Comment by AnthoniE L song 2023-10-01T09:21:25Z Comment by Mikaela Shiela Zerrudo Ang ganda poo ng kanta sana maging opm tooo😊 2019-09-11T14:10:17Z Comment by kencadano Very nice sir! Lalo na nung live mo 'tong itinanghal sa NTC (y) 2014-10-06T03:41:22Z Comment by John Reinz Mariano Para sa mga taong gustong tanggalin ang Filipino sa kolehiyo \m/ 2014-06-20T12:16:36Z Comment by ajtapalla Legendaryong boses :) 2014-06-18T19:58:11Z Comment by Isha Fran Vi Marseillaise Sir, astig din ang rock version nito (nung konsyerto ng Wuds sa PNU) :) Maganda pong irecord at ipost kung may pagkakataon ^_^b 2013-09-20T13:13:18Z Comment by Azl Cedric Lopez Ang ganda po nito, Sir! 2013-08-18T13:52:28Z