Gabi by Nathan Futalan published on 2016-06-17T10:05:25Z Para sa mga taong dumating sa mga pinakamadilim na araw ng buhay natin. Para sa mga kaibigan na tumigil at pinakinggan ang lahat ng sakit na naranasan natin. Para sa mga kaibigang naniwala na kaya natin lagpasan ang lahat ng alon, dilim, at pait ng buhay. Lyrics Verse 1: Malamig Madilim Sa ibabaw natin ay Libu-libong bituin Nakahiga Mga likod sa Milyung-milyong buhangin na Sa'tin nakatingin Pre-chorus: Kapag bumibigat na ang mundo Bitawan mo ito at Hawakan ang kamay ko Chorus: Halika Sasamahan kita Sa ilalim ng gabi Sabay nating limutin ang kahapon Halika Sasamahan kita Sa ilalim ng gabi Salubungin ang umaga Verse 2: Nabibingi Sa sigaw ng Humahampas na alon Sa'ting mga paa Pikit matang Nakikinig Sa kinakanta ng hangin Luha'y nadadala Pre-chorus Chorus Bridge: At sa tuwing Lulubog na ang araw mo Asahan mo, asahan mo Darating ako Para sa'yo Chorus Genre Indie Comment by Jecel Manabat Wala po bang way to download this? Huhuhaha 2016-11-19T12:32:02Z Comment by Skeptic Tank ang ganda talaga huhu 2016-07-18T19:08:33Z