published on
KALAG.
A Base Junkies project.
LYRICS
HOOK:
Ang makatang matalino ay makatang magaling,
Ang makatang matalinghaga ay makatang matalim.
Tinutukoy ko kung sino ang nasa harap ng salamin,
Bato-bato sa langit ang tamaan ay praning.
VERSE:
[Sak Maestro]
Sakim! Nagkaron ng taning si taning,
Sinabing bago kaso pang dating-gawi lang yung dating.
Labing anim na pating, kain at di na gumaling,
Naging bisaya yung trumpo nang ihambing siya sa kasing
-tulad, ako'y nagulat buhat lang ng hagupit.
Puta! Natagpuan ko na rin yung tunay'ng malupit,
Kaya imbis na manakit, lunas ang pinagpalit.
Ibabahagi ko talento nitong aking kapatid.
Mabatid, hinatid siya sa himpapawid na nakaparada,
Makatang nakakalag sa mga tanikala't barikada.
Walang daya ang balasa,
kung kinilala niyo 'kong hari,
Pwes! Si Oktubre yung alas naming baraha.
[October]
Di magkasya sa pisara sa dami ng aking bara,
Binaybay ko ng pahalang, sukat ang bawat baitang.
Nga-nga ang mga bata pag tula ay matalinghaga.
Katwiran mong mababa, di ka nyan mapapalaya.
Ito'y awit ng Adarna sa mapagbalat-kayo
Na matumal at makupad 'tong mundo kong magulo.
Ang karma ay parusa na sagad hanggang buto,
Sa pag titig kay Medusa ang pabuya ay bato.
[Sak Maestro]
Nagsitubuan ang bano, e salbakutang ina niyo.
[October]
Bago tuluyang lumago dapat ay putulin ng damo,
Nang walang bungang matamo, bayo sa naglako.
[Sak Maestro]
At nung nadurog yung basyo, sinunog ang bubog, na-abo!
[October]
Baka butas ang mga palad kaya di mo masalo,
Hapit ang pagkalapat na parang kambal tuko.
Ang demonyo ay buhay sa ilusyon ko'y nabuo,
Hanggang di ko na matukoy kung alin ang totoo.
Di aninag anino mo sa hanay ng mga hari,
Apat na amats tinupi ko parang origami.
[Sak Maestro]
Batak ka ng marami kung balak mo mang sukatin ang-
[October]
Eksena'y wasakin, mga mata ay nasa akin na!
[Sak Maestro]
Bawat salitongue twister make your tang inang mommy cum,
Stupid mothafucking cunts! Pabalik-balik sa isang baitang.
Tila ba nag bungee jump ang choy alig-alig, paloy kay ka basig daw pwede ibalik, Ang point three gibaligya baduy kay' nga adik, aguy walay salig kaluoy gitakig.
[October]
Ako'y maligalig may pagka malibog at aligaga ako.
Punyeta ka talipandas, tampalasan ka, putang ina mo!
Ramdam mo ang aura sa oras, salamangka't salita.
Apoy na korona sa aming obrang bawal sa tanga.
[Sak Maestro]
Dapat niyong malaman na wala sa kapal ng pitaka,
Di mo makikita sa kasikatan o sa dami ng kakilala.
Wala sa lupit ng 'yong talata pagkat ang bilang ng makata,
Ay nasusukat mo sa kalidad ng kanyang tagahanga.
HOOK:
Ang makatang matalino ay makatang magaling,
Ang makatang matalinghaga ay makatang matalim.
Tinutukoy ko kung sino ang nasa harap ng salamin,
Bato-bato sa langit ang tamaan ay praning.
- Genre
- Hip-hop & Rap