Pag - amin ni Arvil P. Domingo by Arvil Domingo published on 2018-09-03T17:30:27Z Pag-amin ni Arvil P. Domingo Minsan mapaglaro ang tadhana Kahit di hinahanap bigla biglang nakikita. Dumarating na parang bagyo Nagiiwan ng malaking pagbabago. Ikaw, oo ikaw, na bumihag sa akin puso Nais kong malaman mo na ikaw ang iniisip ko Ikaw, oo ikaw, na bigla nalang dumating Nang ako'y iyong pinansin natupad aking hiling At ako'y ngayon ay nagambala Aking puso ay napana Ng mahiwagang palaso Na galing mismo kay kupido. Mga salita na naglalaro sa isipan ko Handa na ba ako na sabihin sayo ito. Harapin ang takot na bumabagabag sakin Gawin ang lahat upang ika'y mapasaakin. Tumalon sa malalim na bangin Umasa na ako'y iyong sasaluhin At kahit walang kasiguraduhan Handang handa akong lumaban. Oo, handa na ako, sumugod sa laban na ito Isusugal ang lahat, makamtan lang ang pagibig mo Oo, handa na ako, isaalang-alang ang takot ko Isasakripisyo ang lahat ipaparamdam ko na ako'y sayo. Dahil ang taong ito ay handa na Handa ng ipaglaban ang nadarama. Oo na, Oo na, mahal kita -APDomingo 22/08/18 Genre Spoken Poetry