Sigaw Ng Damdamin, Bulong Ng Pusong Umaamin ni Arvil P. Domingo by Arvil Domingo published on 2018-09-13T02:19:58Z Sigaw ng damdamin, bulong ng pusong umaamin ni Arvil P. Domingo Makinig ka sa akin May gusto ako sayong sabihin Kaunting oras aking hihingiin Lahat ay aking gagawin Para ako'y iyong mahalin Kahit malayo tayo sa isa't isa Titiisin mahabang byahe, para ika'y makasama Susulat ng maraming tula Kahit sintunado ako'y manghaharana Para sayo'y mapadama na mahal na mahal kita. Kahit na minsan di mo pinapansin Dahil napakarami ng iyong gawain Ikaw ay aking hihintayin Manonood, maglalaro, Sarili ay lilibangin Hanggang sa ako ay iyong kausapin. Pero bakit ganito ang nadarama ko? Napupuno ng takot ang aking puso Natatakot mawala ka, na ako ay iwan mo Sapagkat ako ay hindi perpekto Alam kong marami akong kaagaw sa iyo. Pero kung ako'y iyong pagbibigyan Ikaw ay araw araw kong liligawan Kahit ilang bagyo pa ang dumaan Sa pagtanda ikaw ay aking sasamahan Ang lahat ng yan ay aking papatunayan Ang lahat ng ito'y gagawin para sayo Habambuhay ikaw ay mahahalin ko Lalabanan ang mga takot ko Isisigaw ko sa buong mundo Na ikaw, Oo ikaw, ang babaeng minamahal ko. -APDomingo 12/09/18 Genre Spoken Poetry