Hiling(drunk version) - original by Luntian published on 2017-09-23T12:32:58Z Hiling I 'di ko naman alam noon na may pagtingin sa 'yo nahulog na lang ako at puso ko'y nabihag mo sa tuwing lalapit ka kaba sa dibdib nadarama namumula aking mukha sa tuwing ika'y makikita chorus: tayong dal'wa aking sinta hirap't ginhawa sana ay ika'y kasama hindi magsasawa ika'y mahalin ikaw lang ang iibigin sana'y bigyang pansin II malimit kong isipin ika'y di para sa akin hirap na akong pigilin bugso ng aking damdamin sa bawat sandaling iniisip ka pintig ng puso ay naiiba ang tanging dalangin ko lang naman pagmamahal mong walang hanggan bridge araw-araw iniisip maging hanggang sa panaginip tanging hangad ko lang at ang aking hiling maging ika'y para sakin https://www.facebook.com/luntianband/