ESTRANGHERO by ALYSSA published on 2019-03-30T12:36:59Z LYRICS: I. Isang estranghero O, damdamin mo'y bumubugso Habang siya'y palapit nang palapit sayo Isang tanong, Bakit pinagtagpo? II. Umupo siya sa tabi mo Tinanong, "anong pangalan mo?" Ayun, sinabi mo Do'n na ata, do'n na ata Oo, do'n na nga nagsimula ang 'yong pagkatalo CHORUS: Handa ka na ba sa panibagong pagtaya? Kabisado ba'ng daan, o baka ay maligaw Sa kalsadang walang patutunguhan Gagawin mo bang tahanan? III. Handa na bang kumalimot Ang puso mong puno ng takot O hahayaang magpaagos Sa bilis, sa lakas, sa taas ng alon Hinihiling 'wag sanang malunod CHORUS: Handa ka na ba sa panibagong pagtaya? Kabisado ba'ng daan, o baka ay maligaw Sa kalsadang walang patutunguhan Gagawin mo bang tahanan? -------- Ang ganda ng salitang "Estranghero". I love how haunting the word sounds kaya ayun, I decided to write a song about it. Para sa mga taong gustong tumaya pero hindi sigurado kung kaya. Sana'y magustuhan niyo! ------- THAT'S MY BESTFRIEND, ROMAINNA SANTOS, ON THE COVER! shot by me way back 2017 ata wahahah pa-flex lang ng photog skills Comment by grabe toooo : ( ang ganda sobra, sobrang sakto hahaha 2019-12-27T17:01:55Z Comment by Gelo Riego 🔥🔥🔥 2019-04-07T14:53:32Z