IKOT Titik Ni Francis Montesena At Musika Ni Joel Malabanan by joel costa malabanan published on 2015-05-06T02:24:27Z Ikot Tula ni Francis A. Montesena Musika ni Joel Costa Malabanan Iniikot ko ang plato nang tumayo ka at magpaalam. Hindi pa ako tapos kumain, ganito ang sabi ng lelang ko, “Iikot mo anak nang hindi ka tumandang binata.” Nakaugalian ko itong pag-ikot sa tuwing may mauunang umalis mula sa mesa na hindi pa ako tapos kumain. Ilang taon na ba ito? Parang katulad na rin ng pagsesipilyo o pagsusuklay ang ginagawang ganito. Naiwan na ako ng ilang kababatang nagsipagtayo ng sariling pamilya. Kahit hindi nila naging ugaling iikot ang plato kapag ako ang nauunang umalis sa mga kainan, hindi sila naiwang naghihintay ng sariling kapalaran ng puso. Ako itong sumunod, ang siyang napayukod ng pag-iisa. Mali siguro ang ikot ko sa plato, Na dapat ay pakanan sa halip na pakaliwa. O marahil ay dapat ko ding iikot ang ginamit na kutsara at tinidor. Malamang dapat ay ang buong mesa ang aking iniikot para makasigurado. Masaya naman ako ngayon, yan ang isinisigaw ng mga mantel at tisyung pinagpunasan ko ng masebong bibig na nakahiratiang kumain kaysa sa umibig. Genre onthespot