Paalam, Nakalipas. (Original Composition) by Olive Lenon published on 2016-07-22T14:53:24Z Mag sisimula muli at hindi na babalik kahit ano pa ang sabik hinding hindi na... Mababanhaw ang mga dungaw na inaagaw ng mga araw na bughaw na uhaw na uhaw upang maibalik lang ang ako at ikaw. At sa wakas, nag wakas, at nakatakas sa bakas ng nakalipas. Sa wakas, wakas na ang kupas ng nakalipas. Wakas. Mag papalaks muli at iiwasan na ang lawas ng ating nakaraan. Sa hangin ko na pababayaan dahil... Mag sisimula muli at hindi na babalik kung saan wakas ang humalik hinding hindi na... Mababanhaw ang mga dungaw na inaagaw ng mga araw na bughaw na uhaw na uhaw upang maibalik lang ang ako at ikaw. Padayon ang naayon sa ngayon. Pag baon at hindi pag baon ang solusyon. At sa wakas, nag wakas, at nakatakas sa bakas ng nakalipas. Sa wakas, wakas na ang kupas ng nakalipas. At sa wakas, hindi na kakaripas pabalik sa nakalipas. Wakas. Genre Original Comment by Hey, Shernielyn grabe, galing 2022-01-05T14:34:45Z Comment by Jericho WAKAS NA! THANK YOU OLIVE! 2021-11-25T05:29:50Z Comment by thirdy whshhahss hello troy hindi na kita mahal .i. masaya nako ngayon sa buhay ko hehe bye ex 2021-08-04T13:50:34Z Comment by User 299470189 Labyo huhuhu 2020-06-05T14:15:40Z Comment by tagahanga niyo ganda! 🤍 2020-05-31T12:30:07Z Comment by lin relate talaga ako sa kantang to. thank you so much for this masterpiece! ✨ 2020-05-14T20:15:56Z Comment by xxmrxxi i likeeee ur voice 2020-02-11T13:36:01Z Comment by Jeeeymsss Bakit ngayon ko lang narinig to? Ang galing! <3 2017-12-18T03:11:32Z Comment by Amiel Baron boss idol crush bae ko yan!!! 2017-07-30T13:17:04Z