Pag-amin (Original) by Tiners Teras 2 published on 2019-07-17T11:46:28Z I Ayaw pang pumiglas Pintig ng puso'y lumalakas Ang higpit pa ng kapit Balutin mo ako sa iyong mga bisig Pre-chorus 1: Mga paa'y umaatras Ngunit pagkapit ay di mapigtas Chorus: Oh ako sayo'y lumapit/lalapit pa Kung ako sayo'y yakapin na Hinding-hindi na pakakawalan Mga damdamin ay di na pipigilan Aaminin na sa'yo Wag kang aalis Iyo na aking puso II Tila ba'y nadudulas Malapit nang mabigkas Mga katagang magsisilbing lunas Sa pag-aalinlangan at takot Narito na ang bukas Pre-chorus 2: Mga paa'y umaatras Higpitan ang kapit Wag nang pumiglas (Repeat Chorus) Oh ako sayo'y lalapit pa Pagkat ayoko nang mag-isa Hinding-hindi na pakakawalan Hinding-hindi na mawawala Umaamin na sa'yo Umaamin na sa'yo Wag kang aalis (Dito lang ako) Sa'yo lang ang aking puso <3 July 17, 2019 Genre Original Comment by anna wow pwede makuha yung chords? ang ganda po icover 2019-08-18T04:13:16Z