Pusong Duguan by wackygem published on 2015-06-28T16:33:05Z Mahal kita alam mo ba? Marahil nasabi ko na sa dami ng beses na nakausap ka Pero alam nating hindi ito tama Dahil puso mo ay hindi malaya Puso’t isipan ay nagwawala Nagtatalo kung sino ang mas tama Ang ibigin ka at pabayaan ang tadhana O ang lumayo, umiwas at iwan kang mapayapa Pasensya na at ginulo kita Pramis, peksman, wala ito sa plano ni batman Ang pagdating mo sa buhay ko ay biglaan At ang pagpasok mo sa puso ko ay wala sa usapan Subalit anu pa bang magagawa Narito’t duguan ang puso kong lampa Sinusubukang hanapin ang tamang mapa Papalayo sayo at gawin ang tama Masakit oo pero kailangang tiisin Mahirap pero kailangang kayanin Aking tanging panalangin Naway malampasan ito kasabay ng hangin Ako na lamang sana ang nasasaktan Dahil mas hindi ko kaya kung pati ikaw ay duguan Genre spoken poetry