Hanggang sa Huli by Walking Along Recto published on 2017-04-23T11:43:57Z Muli akong susulat ng kanta Ngunit para sa'n pa ba kung di na makita.. Ang 'yong mga mata na noo'y nambighani Ang 'yong mga kamay na hawak ko dati Mula ng bumitaw ay naligaw at nagdilim ang aking langit Wala nang lakas para sumigaw, huling tanong ko lang ay bakit Bakit hindi mo pinaglaban ang pag-ibig? Di sana'y masaya kung tayong dalawa ang magkasama hanggang sa huli Muli kong binabasa ang gawa mong mga tula Sa bawat pantig at salita ay nangungulila Sa tinig mo't galaw na nakasanayan Ang himig ng uhaw ay 'yong pakinggan Mula nang mag-isa ay nahibang at nabaliw sa kaiisip Wala nang lakas para sumigaw, huling hiling ko lang ay sana Ipaliwanag mo kung bakit ka lumisan Maghihintay ako sa pagbabalik mo balang araw, hanggang sa huli.. Comment by Paula ang galing sumulat ng kanta clap clap clap! 2017-09-19T06:26:35Z Comment by Mary PacBeth Faaaaav 2017-07-02T13:53:07Z Comment by Nowhere Man Music PH galing ng hanay dito :) 2017-04-30T04:33:32Z